Followers

It feels good to be back!

Posted by biboybob Monday, September 15, 2008 0 comments

kahit sobrang init at pinagpapawisan ka, mas masarap pa din kapag sa pinas mo kinakain ang adobong baboy at lechong manok.

ewan ko, meron din namang silver swan na toyo at datu puting suka doon, pero iba pa din kapag dito sa atin niluto.

mas masarap din kagatin ang sapin-sapin ni dolor kesa sa chocolate ni hershey.

yung kanin pareho lang ang lasa, pero mas ok dito kasi hindi ako ang nagsasaing.

masaya kapag nakikipag-usap ka nang hindi na kelangan mag-ala core2 duo ng utak mo, yung tipong bago ka mag-isip ng isasagot mo, kelangan mo muna mag-translate, mag-process, at mag-fill in the blanks kapag meron kang na-miss na words.

hehehe.