Followers

Showing posts with label Life. Show all posts
Showing posts with label Life. Show all posts

Status Report ;-D

Posted by biboybob Sunday, February 27, 2011 0 comments

It's been a while since I stopped by this dying blog, thanks to a surprisingly boring Sunday that I had the chance to write again and make myself a little bit useful (I hope).


So, how have you been this past year? As for me, a lot happened since my last post:

- went out of town and actually celebrated my birthday (first time in years), for free.

- stopped buying anime toys/figures (for the meantime).

- accepted a job for another company, resigned from my current work, only to retract it for some reasons (and got blacklisted hehe).

- went to the US, which turned out to be my best out-of-country trip, so far (next to my paid vacation with pocket money trip to St.Paul).

- was able to see the Grand Canyon!

- was able to see and experience snow, loved it for a week and hated it after.
- was able to watch Kobe Bryant play live (I admit he's good, but still didn't like him).

- learned to cook a few common Filipino dishes.

- celebrated Christmas with may folks, together.

- celebrated the New Year at home, looking forward to March 4.

- got myself a new pup, a boy shih tzu I named Yoshi (now 3 months young).
- got bitten by Yoshi and received a total of 9 injections in 2 weeks because of it.

- became a "tito" to Ivan, my sister's baby boy. :D

- got myself a new phone and felt guilty by doing so.

I may have forgotten something, but these sum up what I've gotten into for the last 11 months. Hopefully, I get to share more of what's coming for me this 2011 via this site. No promises, though. Sana, sipagin ako. :P

.

3 - Siblings

Posted by biboybob Wednesday, May 13, 2009 0 comments

My brother and I always fight. We never team up, unless it's against this one enemy: our ate. ^_^

1 - Finding the Way Back Home

Posted by biboybob Sunday, May 10, 2009 0 comments

It's amazing how they never get lost.

No Wishlists for this Year

Posted by biboybob Sunday, March 29, 2009 0 comments

Unlike last year when I've spent so much just to celebrate my birthday, I think this day should pass without me shelling out a single cent. Masyado na akong naging magastos ngayong 2009, considering it's been just three months. Plus I will be spending a lot more, as I plan on doing some home renovations. In short, wala na akong extrang pera haha. And what good is a wishlist kung hindi ko din susubukang tuparin di ba? Materialistic pa naman ako. Hohoho.

This is not a rant. I am actually happy (and contented, unbelievably, for now) with where I am and what I have right now. At the back of my head I know that these are not enough, and there are times na nasasabi ko sa sarili kong 26 years old na ako pero wala pa din akong nararating.

Pero san ko ba talaga gustong pumunta? This is yet to be answered, kasi honestly hindi ko pa din alam. But I believe I am not lost. This year sabi ko, I will be living my life one day at a time. With no plans and not thinking about the future too much, I need not hurry on life. So far, so good pa naman.

Tama na, ang serious e. Birthday ko 'to, dapat puro kalokohan! :D :D

So mga friends, nabasa nyo naman, bahala na kayo sa handa ko at sa regalo. No pressure! ^_^

Seeing the World in 20/20

Posted by biboybob Thursday, February 26, 2009 0 comments

Isang buwan after making one of the biggest decision of my life, I think having my eyes go under surgery is not a bad move after all. So far, so good ika nga. My last exam proved that I am seeing the world in 20/20 (kumanta pa ako ng may liwanag ang buhay...) although sa gabi parang mas gusto kong mas luminaw pa hehe.

Thanks to Dheng and Chris, galing nyong kumumbinsi hehe. Kung hindi dahil sa inyo e hindi ako maniniwalang posible pala yung ganito. Salamat din kay Lord syempre, I know He's always listening to my prayers at lagi akong pinagbibigyan. Spoiled na ata ako sa Kanya hehe.

Salamat din sa mga nakakatakot na sites tulad nito, at sa malupit videong to sa Youtube, takot na takot ako dati. Hindi naman pala masakit.

Dun sa mga nagtatanong kung anong napala ko sa pagpapa-LASIK, number 1 ang luxury ng pagsusuot ng sunglasses. Dati kasi shades pa lng wala na akong makita haha. Siyempre bonus na din yung mas madaling mag-"window shopping" ^_^

Goodbye na sa eyeglasses at contacts. Hindi ko na kayo isasama sa mga lakad ko, iwan na kayo when i travel to see the world -- hi-def.

Eraserheads Live! The Final Set

Posted by biboybob Monday, January 26, 2009 0 comments

March 7, 2009
SM Mall of Asia Concert Grounds


Finally! After missing that August 30 reunion concert that was cut short, eto na... mapapanood ko na! Noon rumors pa lang, but a few days ago Kaje and Ai forwarded Raimund's email that confirmed the concert. This time, MTV & Smart na ata ang producers, hindi na secret, kaya maayos na yung details and hopefully pati na yung concert. I just hope na ulitin nila yung mga na-miss kong songs nung Part 1. Maagang birthday treat na din to sakin haha.

Bilis bili na ng tickets dito, baka maubusan pa. ^_^

.

A Week in St. Paul

Posted by biboybob Sunday, June 22, 2008 0 comments

I could have posted my US immigration experience last Saturday, but I thought it wouldn't do me any good thinking about something as annoying as that. So I'll just give you some of the things that we did for a week in this foreign city. Eto na!

- Hindi namin alam kung pano gumamit ng dishwasher, so we had to try it out. Inilagay namin lahat ng utensils and wares and after an hour, natapos din. When we checked our kitchen, bumaha na pala sa sahig.

- Of course we have to get some grocery items, e hindi namin alam kung san yung pinakamalapit kaya naghanap kami sa internet. Ayun, we walked to a supermarket 2 miles away from our apartment! Kakakagod, more than 30 mins kaming naglakad haha.

- Now the problem is how to get back to our apartment with all those plastic bags full of groceries. Tumawag kami ng taxi, sabi 10mins andyan na daw. Good. After 40mins of waiting for the stupid yellow cab, naglakad kami papunta sa nearest bus stop, which is about a mile from the supermarket. Pinagtitinginan kami ng mga tao.. nagtataka sila kung bakit merong isang group ng mga bulinggit na naglalakad sa highway at madaming dalang plastic bags. Weird.

- Pano ba bumaba ng bus? Kakatok ka sa bintana or sasabihin mo Para po!? Hindi namin alam kung papano, so nung malapit na sa apartment namin, we all stood up thinking the driver would realize that we want to get off. Deadma. After namin lumagpas ng isang street nakita namin may kelangan palang hilahin na string para mag-signal sa driver.

- Almost everything here is automatic, from the doors to the washers. Pero hindi ang drinking fountain. Akala ni Carmi high-tech din yun that she just have to put her face near the faucet, pero after a few seconds na nakatapat yung bibig nya sa "sensor", wala pa din lumalabas. E wala naman palang sensor haha.

- Galing akong airport, kinuha ko passport ko (Thanks for keeping it, Mr. Immigration Officer! Argh!). Sumakay ako ng bus na sa tingin ko dadaan sa downtown St. Paul, where our office is at. Merong sumakay na 3 drunkards and they started to create a scene sa loob ng bus. Hina-harass nila yung mga girls! Ako naman kinabahan kasi baka mapagdiskitahan din ako kasi iba itsura ko or baka kunin yung laptop ko. Nyay! Buti na lang merong isang malaking mama na ni-grab yung mga drunkards and forced them to get off the bus. Ang saya magbus sa Minnesota! :P

- Our manager got concerned when he learned na hindi kami makakita ng mga veggies at condiments na lasang pinoy. So he volunteered to drive us to some asian supermarkets ng lunch break. Nice! Inihatid din nya kami sa apartment namin kasi baka masira yung ibang items kung hindi agad mailagay sa freezer. To his surprise, umuwi siya sa kanila na walang laman yung compartment ng car nya. Naiuwi pala namin yung mga buko niya haha! Is that how you thank me, you coconut-stealing pinoys? Wala lang, naisip namin baka ganyan sinasabi nya sa isip nya haha.

- Si jerome bibili sana ng beer para meron kaming dalhin pagpunta namin sa Galtier (apartment na pinag-stayan nung iba samin), pero ayaw siya bigyan kasi wala siya dalang ID. Bumalik sya sa apartment pero tinamad kunin sa luggage nya passport, kaya sinamahan ko na lang siya bumili, with my passport of course. We're not allowed to do that, you know? You're just buying those beers for him (Jerome) coz he came here a while ago and he doesn't have an ID! I know that's for him! Anak ng tinapa napagkamalan pa atang isinama ni brad yung kuya nya para ibili siya ng beer! After our third try, binigyan na din kami hehe.