Followers

A Week in St. Paul

Posted by biboybob Sunday, June 22, 2008

I could have posted my US immigration experience last Saturday, but I thought it wouldn't do me any good thinking about something as annoying as that. So I'll just give you some of the things that we did for a week in this foreign city. Eto na!

- Hindi namin alam kung pano gumamit ng dishwasher, so we had to try it out. Inilagay namin lahat ng utensils and wares and after an hour, natapos din. When we checked our kitchen, bumaha na pala sa sahig.

- Of course we have to get some grocery items, e hindi namin alam kung san yung pinakamalapit kaya naghanap kami sa internet. Ayun, we walked to a supermarket 2 miles away from our apartment! Kakakagod, more than 30 mins kaming naglakad haha.

- Now the problem is how to get back to our apartment with all those plastic bags full of groceries. Tumawag kami ng taxi, sabi 10mins andyan na daw. Good. After 40mins of waiting for the stupid yellow cab, naglakad kami papunta sa nearest bus stop, which is about a mile from the supermarket. Pinagtitinginan kami ng mga tao.. nagtataka sila kung bakit merong isang group ng mga bulinggit na naglalakad sa highway at madaming dalang plastic bags. Weird.

- Pano ba bumaba ng bus? Kakatok ka sa bintana or sasabihin mo Para po!? Hindi namin alam kung papano, so nung malapit na sa apartment namin, we all stood up thinking the driver would realize that we want to get off. Deadma. After namin lumagpas ng isang street nakita namin may kelangan palang hilahin na string para mag-signal sa driver.

- Almost everything here is automatic, from the doors to the washers. Pero hindi ang drinking fountain. Akala ni Carmi high-tech din yun that she just have to put her face near the faucet, pero after a few seconds na nakatapat yung bibig nya sa "sensor", wala pa din lumalabas. E wala naman palang sensor haha.

- Galing akong airport, kinuha ko passport ko (Thanks for keeping it, Mr. Immigration Officer! Argh!). Sumakay ako ng bus na sa tingin ko dadaan sa downtown St. Paul, where our office is at. Merong sumakay na 3 drunkards and they started to create a scene sa loob ng bus. Hina-harass nila yung mga girls! Ako naman kinabahan kasi baka mapagdiskitahan din ako kasi iba itsura ko or baka kunin yung laptop ko. Nyay! Buti na lang merong isang malaking mama na ni-grab yung mga drunkards and forced them to get off the bus. Ang saya magbus sa Minnesota! :P

- Our manager got concerned when he learned na hindi kami makakita ng mga veggies at condiments na lasang pinoy. So he volunteered to drive us to some asian supermarkets ng lunch break. Nice! Inihatid din nya kami sa apartment namin kasi baka masira yung ibang items kung hindi agad mailagay sa freezer. To his surprise, umuwi siya sa kanila na walang laman yung compartment ng car nya. Naiuwi pala namin yung mga buko niya haha! Is that how you thank me, you coconut-stealing pinoys? Wala lang, naisip namin baka ganyan sinasabi nya sa isip nya haha.

- Si jerome bibili sana ng beer para meron kaming dalhin pagpunta namin sa Galtier (apartment na pinag-stayan nung iba samin), pero ayaw siya bigyan kasi wala siya dalang ID. Bumalik sya sa apartment pero tinamad kunin sa luggage nya passport, kaya sinamahan ko na lang siya bumili, with my passport of course. We're not allowed to do that, you know? You're just buying those beers for him (Jerome) coz he came here a while ago and he doesn't have an ID! I know that's for him! Anak ng tinapa napagkamalan pa atang isinama ni brad yung kuya nya para ibili siya ng beer! After our third try, binigyan na din kami hehe.

0 comments