Followers

PSP 5.50 GEN-D3 Upgrade

Posted by biboybob Thursday, March 18, 2010

Outdated na ko pagdating sa PSP simula nung ninakaw yung sakin sa MRT, kaya nung nakahawak ako ulit ng PSP e naisipan kong i-upgrade na din sa latest CFW (pakialamero lang, buti hindi nasira hehe). So para hindi na kayo magbasa ng mahaba (at english pa), eto ang mga steps para makapaglaro ng mga latest games sa inyong PSP:

Custom Firmware 5.50 GEN-D3 (Final Release)

Warning: Wag i-install kung ang PSP nyo ay PSP-2000 v3 at PSP-3000!
Warning: At least 75% dapat ang battery ng PSP habang nag-iinstall!

Steps:
1. Siguraduhin na ang PSP nyo ay hackable* (PSP-1000, PSP-2000 v1 at v2) at may CFW na at least 5.00 M33.

2. Download ang mga files dito. I-extract at dapat may 1 file at 2 folders na lumabas.

3. Connect ang PSP sa PC, activate USB mode.

4. Copy yung 550.PBP file at i-paste sa root ng Memory Stick.

5. Open yung PSP folder na dinownload, tapos open yung GAME folder. Copy yung UPDATE folder at i-paste sa root:\PSP\GAME\ directory sa Memory Stick.

6. Exit yung USB mode sa PSP. Pumunta sa Game menu, Select Memory Stick, at i-run ang 5.50 GEN-D3 Quick Updater.

Yung first line na nakasulat Flash install CFW 5.50 GEN-D3 lang ang dapat i-install. Hindi dapat i-run yung ibang options, or else babalik sa OFW ang PSP mo!

7. Sundan ang instructions. Restart. Tapos!

Para hindi ka magkamali, panoorin mo muna 'to.

Random FAQs:
1. Ano ba yung CFW o Custom Firmware? Ito ay hacked versions ng OFW o Official Firmware na gawa ng Sony. Kelangan 'to para makapaglaro ng downloaded games (ISO and CSO) at hindi mamulubi sa kakabili ng mamahaling mga UMD.

2. E bakit kelangan mag-upgrade? Makulit ang Sony at mga game developers. Naglalabas sila ng mga bagong games na hindi malaro sa lumang Firmwares. Akala nila ha.

3. Ah ok. Pano malalaman yung Firmware ng PSP? Pumunta sa Settings menu ng PSP, select System Settings, scroll down and select System Information. Yung System Software, yun yung Firmware.

4. Pano malalaman yung version ng PSP? Sa bandang ilalim ng PSP, merong sticker. Doon pinakamadaling makikita kung PSP-1000 (fat), PSP-2000 (slim), o PSP-3000 (brite) ang PSP mo.

5.Pano malalaman kung hackable ang isang PSP? Kung ang PSP mo ay PSP-1000 (yung luma at mataba), hackable yun. Kung ang PSP mo ay PSP-2000 o PSP-3000 at hindi ka sigurado, punta ka greenhills at ipa-check mo. Hayaan mo na din silang mag-upgrade para sure.

6. E ano naman yung root? Ito ay salitang-ugat na hango sa... ok tama na. Kapag kinonek mo ang PSP sa PC at inactivate ang USB mode, makikita ang drive (depende kung anong letter ang ma-assign) ng Memory Stick sa My Computer. Open ang drive na yun, at mapupunta ka (kunwari lang) sa directory na E:\, ito yung root folder ng PSP mo.

Credits: PSPGEN website at sa PinoyPSP.

:)

2 comments

  1. oliverb Says:
  2. enge CFW for PSP-3001 hehehe

     
  3. Anonymous Says:
  4. HAPPY BIRTHDAY master BHEboy! =p


    ~nges hu?~
    clue: (a.k.a Dyosa)
    wag kang papalag birthday mo ngaun.
    wahaha!