Followers

No Wishlists for this Year

Posted by biboybob Sunday, March 29, 2009 0 comments

Unlike last year when I've spent so much just to celebrate my birthday, I think this day should pass without me shelling out a single cent. Masyado na akong naging magastos ngayong 2009, considering it's been just three months. Plus I will be spending a lot more, as I plan on doing some home renovations. In short, wala na akong extrang pera haha. And what good is a wishlist kung hindi ko din susubukang tuparin di ba? Materialistic pa naman ako. Hohoho.

This is not a rant. I am actually happy (and contented, unbelievably, for now) with where I am and what I have right now. At the back of my head I know that these are not enough, and there are times na nasasabi ko sa sarili kong 26 years old na ako pero wala pa din akong nararating.

Pero san ko ba talaga gustong pumunta? This is yet to be answered, kasi honestly hindi ko pa din alam. But I believe I am not lost. This year sabi ko, I will be living my life one day at a time. With no plans and not thinking about the future too much, I need not hurry on life. So far, so good pa naman.

Tama na, ang serious e. Birthday ko 'to, dapat puro kalokohan! :D :D

So mga friends, nabasa nyo naman, bahala na kayo sa handa ko at sa regalo. No pressure! ^_^

Kwentong LRT/MRT

Posted by biboybob Sunday, March 1, 2009 0 comments

Dalawang beses sa loob ng isang araw kung sumakay ako ng LRT at MRT, papasok ng opis at pauwi. Sampung beses sa isang linggo, times 4 sa isang buwan. Sari-saring tao, amoy, at kwento na ang nakasalamuha, nalanghap, narinig, at naranasan ko sa araw-araw na pagbyahe gamit ang tren na to:

1. Pagbukas ng pinto ng kadarating na MRT sa Taft station, ciempre labasan yung mga pasahero. Etong mga ataters na pasakay e nagkumpulan agad sa may pinto at hinaharangan yung mga palabas. Lalong tumatagal. May isang mama sumigaw: Wag nyong salubungin yan, di nyo naman yan kamag-anak e!! Oo nga naman…

2. Bilib din ako sa mga ways ni GMA para pataasin ang popularidad niya sa surveys. Pati MRT at LRT e hindi pinatawad sa paglagay ng posters. Sabi dun sa isa: Ugaliin kumain ng pagkaing niluto sa mantika. Ano daw? Plano ba nyang paliitin ang populasyon ng Pinas sa pamamagitan ng mantika?

3. The Turtles. Ito nakakainis. Sa stations naman to madalas at sa mga hagdan. Hindi naman mga lolo’t lola pero kung maglakad e parang namamasyal sa Luneta o nagwiwindow shopping. Yung tipong parang pila na ng lotto sa haba yung nasa likod nila e deadma pa din.. cge pa din sa pamamasyal. Ang sarap tuloy bungguin haha.

4. Eto malupit. The Great Pretenders. Alam nyo yung mga lalaking nakaupo na oras na may tumapat na babae o matanda sa kanila e talo pa nasapak ni Pacquiao sa bilis matulog. Halata namang nagpapanggap lang kasi napapadilat at sumisimpleng silip sa bintana para malaman kung lagpas na ung station nila.

5. Frustrated DJs. No offense meant sa mga drivers ng LRT at MRT ha, pero di ko mapigilan matawa kapag every station e napakahaba ng dialouges nila. Kadalasan e may adlib pa bukod sa dapat nilang sinasabi e, para bang sabik na sabik sa mic e halos minu-minuto naman nila un ginagamit. Yung iba nga halatang hayok sa mic, kasi sinasadyang pahabain ung dialogues tapos aabutin na ng next station kaya turn na niya ulit magsalita. In short, hindi na siya tumitigil.

Actually madami pa e.. pero yan lng muna sa ngyon, pandagdag din ng post count e kung ihihiwalay ko hahaha. Kayo, na-experience nyo ba tong mga inilista ko?