Followers

Magka-2010 Entry Man Lang.

Posted by biboybob Monday, February 22, 2010

Ang bilis ng panahon. 2010 na pala kaagad. Muntik nang mag-anniv nung last entry ko (tingnan sa baba at isipin kung matatawag bang post ang ganun ka-igsing entry hehe). Parang kelan lang, napagod ako sa pag-isip at pagtype nun.

OK, sa mga nag-iisip (parang meron e no?) kung buhay pa ba ang langgam, sa awa ng Diyos ay oo, hindi pa ako natatapakan. Alive and biting pa din! Naging busy lang masyado sa trabaho kaya hindi makapag-post. Naks!

Bakit ko naisipan pang magpost ulit? Wala lang, gusto ko lang:
1. Magkaroon ng 2010 enrty dun sa gilid nito. Naisip ko lang pangit naman kung 2011 na agad di ba.

2. Tumigil muna sandali sa trabaho. Naks ulit, workaholic daw! Pero totoo, nakakatamad 'tong araw na to. Pati pag-eenglish kinatamaran ko kaya tagalog tong post na 'to (excuses).

3. May mag-click ulit ng links ko. Sayang din ang pera, pambili ng laruan.

Ayan napahaba pa. Plano ko sana e one-liner lang ulit. Di bale babawi ako. Paki-antay next post ko. Pwede na kaya ang Hello 2011!?
.
.

0 comments