Followers

DSLR Mania(c)

Posted by biboybob Sunday, March 7, 2010

Four years na din nung magsimula akong maging interested sa photography. Pagkatapos ng ilang basic lessons at libo-libong pindutan, tumigil din ako dahil sa kawalan ng interes, oras, at kung ano ano pang excuses. Nakakatuwa na hanggang ngayon madami pa ding interesado sa hobby form of art na ito. Natural lang na madami din ang nahihilig sa cameras. Tuloy tuloy pa din ang DLSR Mania(cs).

Ang malungkot dito, kagaya ng cellphones, laptops, tsinelas, bags, at kung ano ano pa, parang ginagawa na ding status symbol nating mga Pinoy ang DSLR. [Teka, kung hindi ka in dahil hindi mo alam kung ano ang DSLR at fan lng kita talaga kaya mo to binabasa, browse mo muna ito.] Sa beach at sa iba pang pasyalan, sandamakmak ang DSLR. Madami din sa malls, sa schools, sa office, pati na din sa mga paborito nating coffee shops. May mga nakasakay na din ako sa jeep na nakasabit ang DSLR kahit wala namang kukunan. Uso kasi e. Wala namang masama.

Opinyon lang: May tamang paggamit ng DSLR. Kahit yung mga professional photographers, compact camera ang dala para sa casual shoots. Nakalabas ang DSLR kung may photoshoot, photowalk, at kung talagang kinakailangan ng pagkakataon. Madalas nakalagay ito sa kanilang bags kapag hindi ginagamit, hindi naka-kwintas na todo setup kasama ang mahahabang lens habang umiinom ng kape sa starbucks. Ok, inggit lang ako siguro hehe.

Opinyon lang ulit: Ang DSLR, may manual yan. At binabasa yan, pinag-aaralan. Hindi yan pang-display. Yung photography, pinagtya-tyagaan. Kelangan ng interes na matuto at sipag sa pag-practice. Ang DSLR, yan ang pinangkukuha ng litrato. Hindi yan ang kinukunan kasama ang nakangiwing sarili para gawing profile picture sa facebook at jologs na daw na friendster katulad nito:
Inggit talaga e no. Wala kasi akong mahiraman ng DSLR para meron din akong ganyan. :(

I-share ko na din: may tatlong paraan para makagawa ka ng ganitong klaseng art:
1."Mirror" Technique - ang method na ito ang pinaka-talamak. Haharap ka sa salamin, ngingiwi at kukunan ang sarili. Hinay-hinay lng sa flash (sana alam mo kung ano yun) dahil baka matakpan ng ilaw ang mukha sa picture.

2.Ask-A-Friend - Tawagin ang iyong bestfriend (na bihasa din dapat sa paggamit ng DSLR), humarap sa kanya ng nakangiwi na parang siya ang subject mo at magpakuha litrato. Sabay takbo sa kanya at sumigaw ng "Patingin!"

3."Stolen" Technique - Simple lang. Kung grupo kayo ng mga bihasa sa paggamit ng DSLR, ngumiwi ng ngumiwi habang kumukuha ng litrato ng kung ano ano malapit sa mga ka-grupo at intayin na may kumuha ng "stolen". Yun nga lang, kelangan i-browse lahat ng DSLR nila para malaman mo kung nasaan ang "stolen" sayo.

Babala lang na masamang araw-arawin ang mga techniques. Baka mahipan ka ng hangin at hindi na maalis ang pagka-ngiwi hehe. Pwede din isabit na lang sa leeg kung magpapakuha, para di na kelangan ngumiwi. Mas safe.

PS: Sa mga kaibigan kong nasa picture, peace tayo ha. Katuwaan lang po. Pahiram DSLR, papakuha din ako para quits tayo. Inggit talaga hehe. :)

.

8 comments

  1. Anonymous Says:
  2. anu nanamang kalokohan yan master?! hehehe..

    P.S.
    Kilala mo ba ako???? Nges hu?! hahaha!

     
  3. biboybob Says:
  4. haha. sinong master ka?

     
  5. Anonymous Says:
  6. I'm the master of all Goddess.. My mother is Venus. =p

     
  7. Anonymous Says:
  8. This comment has been removed by a blog administrator.  
  9. Anonymous Says:
  10. bwahahaha.bumili ka na kasi ng dslr mo bibs.sinama mo pa si xxxx sa pics nyahahaha :P OT: ano ba ang dslr?LOLZ

    EDIT: Itago na lng natin sa pangalang xxxx ok?

     
  11. Anonymous Says:
  12. pre gusto ko tong blog mo, ayaw ko din ung mga profile pic na gaya ng sinasabi mo, nakangiwi pa hehe

     
  13. Anonymous Says:
  14. hayaan nio na nga!inggit talaga to si bibs!hahaha feeling photog nga eh tsaka mahal daw yun kaya ipagmalaki hahahaha

     
  15. deedee Says:
  16. wahaha LOVET! henako bf, daming "mirror effect" na naglipana sa facebook. eto ka, pag tinanong mo kung ano yung APERTURE, di masasagot. hehehe.