Outdated na ko pagdating sa PSP simula nung ninakaw yung sakin sa MRT, kaya nung nakahawak ako ulit ng PSP e naisipan kong i-upgrade na din sa latest CFW (pakialamero lang, buti hindi nasira hehe). So para hindi na kayo magbasa ng mahaba (at english pa), eto ang mga steps para makapaglaro ng mga latest games sa inyong PSP:
Custom Firmware 5.50 GEN-D3 (Final Release)
Warning: Wag i-install kung ang PSP nyo ay PSP-2000 v3 at PSP-3000!
Warning: At least 75% dapat ang battery ng PSP habang nag-iinstall!
Steps:
1. Siguraduhin na ang PSP nyo ay hackable* (PSP-1000, PSP-2000 v1 at v2) at may CFW na at least 5.00 M33.
2. Download ang mga files dito. I-extract at dapat may 1 file at 2 folders na lumabas.
3. Connect ang PSP sa PC, activate USB mode.
4. Copy yung 550.PBP file at i-paste sa root ng Memory Stick.
5. Open yung PSP folder na dinownload, tapos open yung GAME folder. Copy yung UPDATE folder at i-paste sa root:\PSP\GAME\ directory sa Memory Stick.
6. Exit yung USB mode sa PSP. Pumunta sa Game menu, Select Memory Stick, at i-run ang 5.50 GEN-D3 Quick Updater.
Yung first line na nakasulat Flash install CFW 5.50 GEN-D3 lang ang dapat i-install. Hindi dapat i-run yung ibang options, or else babalik sa OFW ang PSP mo!
7. Sundan ang instructions. Restart. Tapos!
Para hindi ka magkamali, panoorin mo muna 'to.
Random FAQs:
1. Ano ba yung CFW o Custom Firmware? Ito ay hacked versions ng OFW o Official Firmware na gawa ng Sony. Kelangan 'to para makapaglaro ng downloaded games (ISO and CSO) at hindi mamulubi sa kakabili ng mamahaling mga UMD.
2. E bakit kelangan mag-upgrade? Makulit ang Sony at mga game developers. Naglalabas sila ng mga bagong games na hindi malaro sa lumang Firmwares. Akala nila ha.
3. Ah ok. Pano malalaman yung Firmware ng PSP? Pumunta sa Settings menu ng PSP, select System Settings, scroll down and select System Information. Yung System Software, yun yung Firmware.
4. Pano malalaman yung version ng PSP? Sa bandang ilalim ng PSP, merong sticker. Doon pinakamadaling makikita kung PSP-1000 (fat), PSP-2000 (slim), o PSP-3000 (brite) ang PSP mo.
5.Pano malalaman kung hackable ang isang PSP? Kung ang PSP mo ay PSP-1000 (yung luma at mataba), hackable yun. Kung ang PSP mo ay PSP-2000 o PSP-3000 at hindi ka sigurado, punta ka greenhills at ipa-check mo. Hayaan mo na din silang mag-upgrade para sure.
6. E ano naman yung root? Ito ay salitang-ugat na hango sa... ok tama na. Kapag kinonek mo ang PSP sa PC at inactivate ang USB mode, makikita ang drive (depende kung anong letter ang ma-assign) ng Memory Stick sa My Computer. Open ang drive na yun, at mapupunta ka (kunwari lang) sa directory na E:\, ito yung root folder ng PSP mo.
Credits: PSPGEN website at sa PinoyPSP.
:)
When I learned that Jollibee is releasing Macross toys as part of their Kids Meals, I immediately went to the nearest mall to get one. I can't remember the last time I bought kiddie meals to get toys as they usually make me disappointed, but this series sounded promising somehow. I wanted to get all 3 variants but then I realized it is unfair for my tummy to receive 3 regular Yums, so I only bought one and chose Veritech Battloid (whatever), more rightfully known as the VF-1 Valkyrie:
A white robot with two weapons at the back and a gun. I would say he is unexpectedly detailed for a 69-peso meal freebie.
He looks like a real VF-1S and even has Macross logos. His arms and legs are moveable. The gun trigger can also be moved but I am not sure what it does.
Looking closely, you'll notice some bad paint jobs shouting something like "You only get what you pay for!"
I hate those empty molded legs that made it look cheap (well, it really is cheap) from waist below. You can't really do much with this toy but display on a boring study table.
This Combat Mecha (whatever) is a good toy, comparable to and even cheaper than some gashapons sold at TK. I'd say get this if you like Jollibee and Macross that much, go get the other 2 variants otherwise. Better yet, stop and save a few more P69.00 and get this instead.
:)
Four years na din nung magsimula akong maging interested sa photography. Pagkatapos ng ilang basic lessons at libo-libong pindutan, tumigil din ako dahil sa kawalan ng interes, oras, at kung ano ano pang excuses. Nakakatuwa na hanggang ngayon madami pa ding interesado sa hobby form of art na ito. Natural lang na madami din ang nahihilig sa cameras. Tuloy tuloy pa din ang DLSR Mania(cs).
Ang malungkot dito, kagaya ng cellphones, laptops, tsinelas, bags, at kung ano ano pa, parang ginagawa na ding status symbol nating mga Pinoy ang DSLR. [Teka, kung hindi ka in dahil hindi mo alam kung ano ang DSLR at fan lng kita talaga kaya mo to binabasa, browse mo muna ito.] Sa beach at sa iba pang pasyalan, sandamakmak ang DSLR. Madami din sa malls, sa schools, sa office, pati na din sa mga paborito nating coffee shops. May mga nakasakay na din ako sa jeep na nakasabit ang DSLR kahit wala namang kukunan. Uso kasi e. Wala namang masama.
Opinyon lang: May tamang paggamit ng DSLR. Kahit yung mga professional photographers, compact camera ang dala para sa casual shoots. Nakalabas ang DSLR kung may photoshoot, photowalk, at kung talagang kinakailangan ng pagkakataon. Madalas nakalagay ito sa kanilang bags kapag hindi ginagamit, hindi naka-kwintas na todo setup kasama ang mahahabang lens habang umiinom ng kape sa starbucks. Ok, inggit lang ako siguro hehe.
Opinyon lang ulit: Ang DSLR, may manual yan. At binabasa yan, pinag-aaralan. Hindi yan pang-display. Yung photography, pinagtya-tyagaan. Kelangan ng interes na matuto at sipag sa pag-practice. Ang DSLR, yan ang pinangkukuha ng litrato. Hindi yan ang kinukunan kasama ang nakangiwing sarili para gawing profile picture sa facebook at jologs na daw na friendster katulad nito:
Inggit talaga e no. Wala kasi akong mahiraman ng DSLR para meron din akong ganyan. :(
I-share ko na din: may tatlong paraan para makagawa ka ng ganitong klaseng art:
1."Mirror" Technique - ang method na ito ang pinaka-talamak. Haharap ka sa salamin, ngingiwi at kukunan ang sarili. Hinay-hinay lng sa flash (sana alam mo kung ano yun) dahil baka matakpan ng ilaw ang mukha sa picture.
2.Ask-A-Friend - Tawagin ang iyong bestfriend (na bihasa din dapat sa paggamit ng DSLR), humarap sa kanya ng nakangiwi na parang siya ang subject mo at magpakuha litrato. Sabay takbo sa kanya at sumigaw ng "Patingin!"
3."Stolen" Technique - Simple lang. Kung grupo kayo ng mga bihasa sa paggamit ng DSLR, ngumiwi ng ngumiwi habang kumukuha ng litrato ng kung ano ano malapit sa mga ka-grupo at intayin na may kumuha ng "stolen". Yun nga lang, kelangan i-browse lahat ng DSLR nila para malaman mo kung nasaan ang "stolen" sayo.
Babala lang na masamang araw-arawin ang mga techniques. Baka mahipan ka ng hangin at hindi na maalis ang pagka-ngiwi hehe. Pwede din isabit na lang sa leeg kung magpapakuha, para di na kelangan ngumiwi. Mas safe.
PS: Sa mga kaibigan kong nasa picture, peace tayo ha. Katuwaan lang po. Pahiram DSLR, papakuha din ako para quits tayo. Inggit talaga hehe. :)
.
Well it's this time of the year again: I am turning a year wiser in a few weeks. Parties have always been the norms for birthday celebrations, but it's something that I stopped having since I was a 14 or so. Kapag tinatanong ako ng tatay ko at ng iba ko pang relatives kung ano ang gusto kong handa at regalo, I either say "perahin nyo na lang" or "pahingi na lang ako ng pambili ng [insert worldly items here]".
That's because I try to get something that I want during my birthday. 2010 is Toys versus a jacket, and I am still torn between these three:
1.GX-43 Daimos - I've wanted to get this after I bought my GX-31 Voltes V robot but somehow something always get in the way. Either magastos ko sa ibang bagay yung budget o ma-guilty ako kapag bibilhin ko na kahit walang okasyon. The fact that I am still thinking of getting this after a few failed attempts made it #1 on my list.
2.Masterpiece Optimus Prime - A little more expensive than my #1, but it can be said that this is the best Optimus Prime one can get for his money. I just hope there's still one available out there, with or without the trailer, just in case I decided to get this instead of Daimos. It will also be a good addition to my non-transforming Transformers.
3.Adidas Stormtrooper Jacket - Kung nakita ko lang 'to when I was in the US, binili ko na. But I didn't. A friend told me it is sold here locally, pricey though. But I doubt na magiging mas mahal kesa sa #1 and #2, kaya kung kukulangin budget ko, I'd be happy to settle with this kahit na kakabili ko lng ng ibang hoodies at sa office ko lang nagagamit kasi doon lang malamig.
You might be wondering why I posted this kind of entry earlier than usual. You guessed it right! Mas maaga, mas malaki chance kong maka-collect ng birthday gifts (aka. pera) from you my friends! Hehe. Kidding aside, I am still undecided so your views on which one I should get will be appreciated. :)